Sunday, January 23, 2011

First time mo? Take IT from my Experience!

I am one of the (used to-be) stubborn person you could find in the IT Industry. Kung hindi man ako, e kabarkada ko ung mas makukulit or magugulo pa! So sa mga (magiging) fresh graduates, baka may matutunan kayo sa mga ituturo ko (a.k.a. tips ) based on my or my friends' experience.

1. Ano ba gusto mo maging? Sa IT, hindi lang programmer ang pwede mo tahakin. Dito, as entry level, pwede ka maging programmer (a.k.a. developer, software engineer, application specialist), designer (a.k.a. graphic/layout artist), tester (a.k.a. quality analyst, test engineer), o kaya network admin. 
Ako, nagsimula ako bilang Junior QA Engineer kahit ang gusto ko talaga ay maging isang programmer. Ilang buwan bago matapos ang kontrata ko, sinabi namin ni Car sa sarili namin na sa susunod na trabaho namin, magiging programmer kami

2. Resume (a.k.a. Curriculum Vitae (CV). Your resume will say so much about you so here are some tips: 
  1. Formal e-mail account. Gumawa ka ng formal email account unless kaya nyo panindigan ang isang super-cool na email. Ang e-mail ko na nagapply after college ay leMody_astig@***.com. "Why astig?" lang naman ang isa sa mga tanong na paulit-ulit kong sinagot sa mga naging interview ko.
  2. Proofread. Basahin mo ng ilang ulit ang resume mo. Bago mo isend sa isang company, isend mo muna sayo o sa isang kaibigan para idouble check. Ang isa sa mga maling ginawa ko ay ang gumawa ng application letter (through e-mail) at inattach lang ang resume. After several days with no reply from different companies, dun ko lang ulit binasa email ko, only to find out na wala ung nirerefer ng mahiwagang line na Please see attached resume.
  3. Don't say less. Bilang fresh grad, di ko sinama ung mga college stuffs ko, halimbawa mga school seminars, activities, certificates (kasi feeling ko baduy). Hinanap sila ng isang HR employee na naginterview sa akin, kaya dapat isama nyo yun. :)
3. Saan? Kung saan mo gusto! Gusto ko dito sa Manila kahit ayaw ng parents ko. Ngayong gusto ko naman itry sa Baguio, ayaw na nila akong bumalik dun dahil naintindihan nila na mas malaki IT industry dito. Ang iba, nasa ibang bansa na. Ang mga gaya ko naman na masaya na dito sa Pilipinas, e di andito pa rin! Pwede rin kung saan pwede. Try nyo ito:
  1. Accenture. Isa sa mga kumpanya kung saan naipapadala sa ibang bansa ung mga empleyado nila. Tingin ko, more than 50% na ng naging classmate ko sa Accenture ang nanggaling na o nasa ibang bansa ngayon. Ang iba naman, umalis na ng Accenture at tuluyan ng nag-ibang bansa.
  2. BlastAsia. Up-to-date technologies and many more hehe.
  3. SMITS. IT Subsidiary ng San Miguel Corporation and it is for you to find out kung anong meron.
 4. Ask! Para sa akin, ok lang ang magtanong, basta sa tamang tao. Wag akong gayahin na basta basta pumipirma. Wag mapressure o magpapressure. Relax lang.
HR Interview. Sana naman alam mo inaapplayan mong position para di mo na itanong. San ka madedeploy (Office, Home-based o Client)? Working hours (40hr/wk, 44hr/wk, AM/PM, mon-fri, o until sat)? Status ng position (contractual, regular, o project-based)? Kung hindi mo rin alam ang ibig sabihin ng bawat option, magtanong lang po.
Technical Interview. Anong technoligies gamit? May training po ba or self-study? (Kung may training, ask the HR kung may bond)

Ok, pwedeng hindi mo pa alam ngayon kung san ka. Pero kapag dumating ung panahon na alam mo na, go for it! Habang it's not yet about the money.

6 comments:

  1. Ano kaya meron sa SMITS? Mukang nakaka-intriga. Makapag-apply nga hehe *wenks* ~beans

    ReplyDelete
  2. nice melo. aabangan ko pa ang ibang blogs mo ah. hanggang sa muli!!! ;-)

    ReplyDelete
  3. nice melo! hahaha..

    -punk with a star! ~_^

    ReplyDelete
  4. anu meron sa SMITS? eh di ang antique na si sir Noli :) ha ha

    -pinkangst!

    ReplyDelete
  5. regular na ko sa SMITS! Regular na late.. hehe. -Ran

    ReplyDelete
  6. nice lemody!!hanggang sa next blog kaibigan!!hehehe...=) - x

    ReplyDelete